Bottled Water

Padumi na nga padumi ang tubig.  Naalala ko pa ang panahon na okay lang uminom ng diretso sa gripo. Noon kapag uminom ka sa gripo, di sasakit ang tyan mo. Ngayon,  delikado na talaga ang uminom sa gripo. Noong araw daw  “banga”  o “earthen jar” ang lagayan ng tubig kasi di pa uso ang refrigerator. Kaya sa banga nagpapalamig ng tubig. Parang ang hirap isipin na noong araw, ang tubig sa banga lang nilalagay at pede ng inumin.

Ngayon, mahirap na humanap ng malinis na tubig kaya’t nag-sulputan na ang maraming “water-refilling stations”.  Usong-uso na ang bottled water. Dati naalala ko, “ice tubig” lang okay na. Ano ang ice tubig? Ang  ice tubig ay tubig mula sa gripo na nilagay sa plastic ng yelo. Tapos kung malamig na o bago pa mag-yelo pede ng inumin.  Meron pa kayang ice tubig ngayon?  Sa pagdaan ng araw, lahat ang iniinom ay yung tubig na na distilled o dumaan na sa purifying process sa mga water-refilling stations.

Kaya’t dapat na talaga tayong magtipid ng tubig.  Baka dumating ang panahon ang tubig at gasolina ay maging mag-katulad na pagdating sa presyo.  Narinig ko nga na ang tubig daw ang susunod na dahilan upang mag-away away ang mga bansa. Maswerte tayo dito sa Pilipinas at napapalibutan tayo ng tubig.  Kaya lang kapag patuloy ang pagtapon natin ng basura sa mga ilog at dagat,  di malayo na ang bottled water maging kasing presyo na ng gasolina o higit pa.  Bakit kaya ganun, kapag ang isang bagay ay marami kahit kailangan upang mabuhay, hindi masyadong pinapahalagahan? Pero, kapag wala na saka lang tayo kikilos para maiwasan ang pagkaubos nito.

Advertisements
This entry was published on April 9, 2011 at 5:38 pm and is filed under Uncategorized. Bookmark the permalink. Follow any comments here with the RSS feed for this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: