Patuloy Tayong Tumulong…

Patuloy nating tulungan ang mga kapatid nating nasalanta ng bagyong “sendong” sa  Cagayan de Oro, Iligan City at sa mga karatig pang probinsya! Ayon sa balitang aking nabasa ay pumalo na sa higit isang libo ang mga nasawi at napakarami na rin ang nasugatan at mga nawawala.

Kalunos-lunos talaga ang nangyari sa ating mga kababayan. Maraming mga patay ang pinaghahanap pa. Maraming nasirang bahay at iba pang mga ari-arian.  Bagsak ang kabuhayan wasak ang lahat ng pangarap! Hindi ko talaga lubos na mawari kung paano ipinagdiwang ng ating mga kababayan sa mga nasalantang lugar ang Pasko. Paano na kaya ang kanilang Bagong Taon?

Malamang raw ay hindi sila handa sa ganitong kalamidad. Madalang lang kasi bumagyo sa ganitong mga lugar.  “Climate change” raw ang dahilan kung bakit ang mga lugar na dati ay hindi binabagyo ay nakakaranas na sa ngayon. Kaya lang sa napakaraming troso na inanod  sa baybayin ay tiyak ko na ang walang habas na pagsira sa ating mga kabundukan ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang trahedyang ito. Sana talaga ay tigilan na ng mga “illegal loggers” ang pagkalbo sa ating mga kagubatan! Kapag  nagpatuloy ang pagsira sa ating mga kalikasan dit sa ating bansa at sa buong mundo ay paulit-ulit nating mararanasan ang ibat-ibang  mga kalamidad. Ilang “ondoy” at “sendong” pa kaya ang dapat nating maranasan para tayo magbago?

Gayunpaman, hindi ito ang panahon para mag-turuan at magsisihan! Tulungan muna natin ang ating mga kababayan sa CDO, Iligan at iba pang mga lugar. Sa lahat ng nag-paabot ng kanilang tulong ay lubos ang pasasalamat sa inyo!!!

Advertisements
This entry was published on December 28, 2011 at 8:08 am. It’s filed under Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink. Follow any comments here with the RSS feed for this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: