Paalam Encyclopaedia…

Matapos ang 244 na taon ay nag-paalam na sa pag-imprenta ang “Encyclopaedia Britannica”. Sila raw ay magiging purong “digital” na. Sa madaling salita, mawawala na ang volumes ng mga libro na ibinebenta karaniwan ng mga naka-kurbatang salesman.

Ang laki raw kasi ng ibinagsak ng benta ng nasabing Encyclopaedia mag- mula ng mauso ang internet at ang wikipedia.  Mas madali nga naman gawin ang research at mga assignments kapag “online”. Isang pindot lang sa computer ay madali ng mahahanap ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Isang manipis na laptop lang ay higit pang katapat ng naparaming mga libro.

Noong nabasa ko na mag-papaalam na sa pag-gawa ng libro ng Encyclopaedia Britannica ay biglang nanariwa sa aking alala noong grade four pa lang ako.  Naaalala ko noon ay may nagpunta sa aming bahay na isang lalaki na nagbebenta ng mga Encyclopaedia.  Ang sabi ng lalaki ay ini-refer raw kami ng teacher ko.

Dahil parang nakakahiya duon sa lalaking nakakurbata na makulit na nag-aalok ng libro, pati na sa teacher ko na nag-refer sa amin at upang mapagbigyan na rin ako ay napilitan ang nanay ko na kumuha ng Encylopaedia kahit hulugan. Pero hindi iyong Encyclopaedia Britannica ang kinuha ng nanay ko kundi ang pinakamurang uri ng Encyclopaedia sa listahan ng lalaki.

Kahit napakaliit lang ng sahod ng nanay ko bilang guro sa high school ay pinag-tiyagaan niyang mabayaran ng ilang taon ang Encyclopaedia na aming kinuha.  Dahil dito ay pinagbutihan ko talaga ang aking pag-aaral para na rin sa sakripisyo ng nanay ko.

Ngayon ang nasabing Encyclopaedia ay hindi na ginagamit. Naka-display na lang ito sa isang cabinet na nakalagay sa kwarto namin na ginawa ng bodega.

At kahit ilang taon ng pumanaw ang nanay ko ay lagi ko pa rin siyang naaalala lalo na tuwing makikita ko ang mga Encyclopaedia na kaniyang ipinundar para sa aming magkakapatid.

Advertisements
This entry was published on March 14, 2012 at 1:48 pm and is filed under Uncategorized. Bookmark the permalink. Follow any comments here with the RSS feed for this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: